Kinikilig ako. Naalala ko mga takbuhan moments namin. ♥
- ‘pag naghahabulan kami sa mall. Ang harot lang!
- Nung naligo kami sa ulan pagkatapos magsimba. Nagtanggal pa talaga kami ng sapatos at naglublob sa baha.
- Nung nagmataya-taya kami sa school building nila sa PUP. Wala naman kasi masyadong tao dahil nanood ng Battle of the Bands, COE Week kasi. Nakakapagod, ang dumi ng paa ko kasi nakayapak na ako pero masayaaa.
- Nung MU pa lang kami at nagpunta kami sa oval kasama mga kaibigan namin. Kunyare “jogging” pero gusto ko lang talaga siya makita non. Ang gwapo nga niya kahit pawisan eh. Siyeeeht! Super crush ko siya non. :”>

Eto yung mga panahon na wala sa bokabolaryo ko ang “make-up”. Laway ko lang lipstick ko non. Simple lang ako dito. Batang-bata pa, ang cute ko talagaaa. HAHAHA. Yunyon eh! ;) Gusto ko ganito na lang pagmumukha ko kaya.. goodbye lipstick na. Wehh? Joke lang. Hehe.
22 May 2012 ♥ 4All I wanna do, is grow old with you. :”>
22 May 2012 ♥ 12Hindi ko alam kung bakit mas kinikilig ako kapag tinatawag niya akong “Joy” kaysa sa kung anong tawagan namin. Kapag binabanggit niya ang pangalan ko, paulit-ulit ko pa naririnig sa utak ko. Mehehe~ :”>
22 May 2012 ♥ 4Nakakaumay talaga.
- Yung OA magtawagan. “Baby ko, good morning Baby.”
- Yung alagang-alaga na akala mo naman disabled na yung partner.
- Yung laging sobrang sweet.
Ano pa ba? Hmm.
20 May 2012 ♥ 5Ako: 'Yon naman pala eh. Nagpapakahirap pa ako mag-aral ng nursing. Ikaw na nagsabi nyan ah? HAHAHA.
20 May 2012 ♥ 4
1st Anniversary.
“Parang ang bilis, hindi ko namalayan.” Ganyan ang linya ko sa tuwing ika-14 at monthsary namin. Nung nakaraang 14, isang taon na kami. At ang masasabi ko ay parang ang bilis, hindi ko namalayan. Bukas ikakasal na pala kami pero parang ang bilis, hindi ko namalayan na naman. Hahaha!
Hindi ko akalain na aabot kami sa ganito. Nakilala namin ang isa’t-isa na maraming babae/lalaki na kalandian. Sinong mag-aakala na faithful ang tulad namin pagdating sa karelasyon? Nung MU pa lang kami, marami ang nagda-down kay Francis at sinasabing pinapaasa ko lang siya. Alam ko na pinanghinaan din siya pero pinalakas pa din siya ng nararamdaman niya, na gusto niya ako kaya hindi siya susuko. Nung naging kami, ilang araw pa lang ay nagkaroon na kami ng malaking problema na akala ko iiwan na niya ako. At marami pang sumunod na pagsubok sa loob ng isang taon na ‘yon pero nalampasan namin. Ang sarap lang na pareho kaming lumaban para sa relasyon namin dahil nagmamahalan kami at eto kami ngayon.
Ano ba nangyari? Parang katulad lang sa anniversary ni Chang & Chong. Magkasama kami at ‘yon ang nagpa-special. Couple shirt na pang-gay lang naman ang meron ako para sa kanya. At saka isang letter na nakasulat sa manila paper. Sa sobrang haba at liit ng sulat, napagtiyagaan niyang basahin. Ang sarap lang na kahit papaano sa sulat na ‘yon, naramdaman niya lahat ng gusto kong iparamdam sa kanya. Naiyak/naluha pa ang gago. HAHAHA. Cute niya talagaaa. Nung niyakap lang niya ako, solve na talaga! Hindi ko na kailangan ng kung ano pang materyal na bagay. Siya lang talaga, siya lang ang gusto ko!
Korny ko talaga no? Eh kasi naman inlove ako. Pero sige na nga, tama na nga ang kakorny-han. Ayuuun. :”>
20 May 2012 ♥ 5